Ang hirap pala maging inactive, hindi mo alam kung kilala ka pa ng dati mong nakakausap dito. Hahahaha. Hello, nageexist pa ‘ko :(

slykherin
TBH, babes, you don't radiate brightness alone; it comes with the pang of reality this life offers. I love that in you. You are honest and I'd like to give you hug for every night you attempted to make me feel better which I have to say is something that you're good at! Love love you, babes. ♥

Aw. Babes, kahit na inaasar asar kita, dinadaot whatsoever, you’re still sweet sa’kin. Enebe. Andami mo ng pics sa laptop ko, whyyy? I love you too <3

10/21/2014

Kakauwi ko lang from NBS kasi may sinamahan ko lang yung friend ko na bumili ng newsprint para sa project nila. Naalala kita bigla. Ewan ko ba, napangiti akong ewan.

Hindi yun ang ikuwento ko, going back. Basta yun, ganito yun. Pag pasok ko kanina sa USC office, may mga naririnig rinig na akong nandyan na si Konsi (short for councilor/konsehal) eme eme tapos ako balewala lang. Ayun, at nung matapos ang meeting ng major org presidents in preparation for the 2nd semester enrollment, kumain kami kasi may birthday, at nung mahimasmasan ay saka naman sinabi sa akin ng Deputy Student Regent (DSR) na yun nga, ako na papalit sa termino ng kasalukuyang College of Arts and Science councilor due to her ineffectivity, which is valid kasi napakabusy niya na talaga. Hindi ko alam mararamdaman ko up to now kasi nireject ko talaga yun last election kasi hindi pa ako ganun kaready sa position na inaalok, plus hindi pa ako totally nakakamove on kasi ndi ako nanalo as officer ng course namin. Plus, sa’min kasi, may mga Committee chuchu eme at kasalukuyang nilagay ako sa Auditing team, tapos sabi sakin ni DSR, next sem, ako naman daw ang maghead ng COPIC (Commission on Public Information and Communication). Nagulat ako kaya tinanong ko, bakit mo sakin ipapasa e hindi naman ako dyan? At ang sabi sakin, e kasi I got the highest votes as CAS representative by that time. Daw.

Ayun, nagpapasalamat ako sa lumikha sa panibagong pagsubok, alam kong makakayanan ko ‘to. Kakayanin ko, kahit may OJT din ako next sem. At kahit hindi ko pa din alam kung saan ko talaga gusto magtrabaho. Ewan ko, basta achievement and happiness ‘to. I’ll go with the flow.

PLUS, 1.25 PALA AKO SA PUBLICATIONS WRITING/EDITING SUBJECT KO. WOOOOOOOOOOOOOOOOH. SANA WALA AKONG 2 NGAYONG SEMESTER.

10/21/2014
Kinausap ako. Next sem, from CAS Representative, magiging CAS Councilor na ko ng University Student Council. I don’t know how and what to feel.

I still had the feeling, with our stories.
But, it seems like you’ve been trying
to hide something in your mind.
I have hope for the thing that stuck in my mind.
I’m not afraid for the answers.
Whatever will it be good or bad,
I will not regret for asking this.
Would you like to be with me?
Would you like to walk together with me?
Even how long time has passed by,
my heart still want to ask you this questions.

10/20/2014

Pakiramdam ko, ang panget ko, sa lahat ng aspeto. Alam mo ‘yun, ang pakiramdam na bakit sila masaya sa buhay pag-ibig samantalang ako, heto, hindi naman nagloloko at nanloloko pero bakit wala? O kung sakaling meron man, e bakit ako ang iniiwan? Sinasaktan? Niloloko? Parang nakakapagod ng isipin na laging ganun na lang lagi, sa lahat ng posibleng pagkakataon. Bakit?Bakit? Ang hirap sagutin dahil hindi ko alam kung paano sasagutin at hahanap ng posibleng magbigay sagot gamit ang mga pira-pirasong alaala. Ano nga ba nagawa kong mali para magkaganito? Naiinggit ako at nangungulila dahil gusto ko na ulit maramdaman at iparamdam kung gaano ko gusto ipaglaban ang nag-iisa kong dahilan kung bakit ikaw ang pinili at ginusto ko sa lahat ng tanong nila.

Di ko alam, pagod lang ‘to. Kailangan ko ata ng mahaba habang pahinga. At kailangan ko na namang gisingin ang sarili ko.

i wonder why people always give up on me. it’s always like that. today, i’ve finally figured it all out. because it’s me. and i can’t say anything anymore but i’m sorry. i’m sorry that sorry is all i have. i give up on me, and you will, too.

“Naghihintayan lang siguro tayo na magpansinan no?”

— Kaso kasi nagsasawa na din ako na, ako na lang lagi ang nauunang namamansin. Kaya bahala ka muna dyan. (via sikolohistang-baliw)

10/19/2014

Ito ang unang beses na hinagkan mo ‘ko ng buong giliw at nayakap din kita ng hindi nagdadalawang isip. Ng buong saya. Isang tipikal na araw ngunit napuno ng bawat masasayang sandali. Ndi ko alam pero parang nanibago ako — dahil sa hindi na ako sanay na may humahawak sa malamig kong kamay, ng ganung katagal at habang naglalakad at mga pagkakataon na kung saan umaakbay ka sa akin na tila hindi batid kung may makakita sa ating dalawa. Kung date man ‘tong matatawag, masaya ako kasi ikaw ang una kong nakasama matapos akong makalaya sa kanlungan ng nakaraan. Nagkukwentuhan habang naglalakad sa direksyong hindi alam ang patunguhan ang matatandaan ko sa araw na ‘to.

Habang kumakain tayo, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kitang pagmasdan kung paano ka ngumiti, dahil pakiramdam ko, natutunaw ako sa mga oras na ‘yun. At, dumating sa puntong di ko na mapigilan, pakiramdam ko, namumula ako habang inaayos mo ang aking buhok na parang katulad ng sa’yo. Matagal din tayong naging masaya sa bilang at hiram na oras, at kinagagalak kong maubusan at magbahagi ng oras sa’yo.

Hindi ko alam kung ito’y mauulit pa. Basta, alam ko, magkikita ulit tayo. Kahit alam kong “Friendly Gala” ‘to.