Sana kasing dali lang ng pagpindot ng delete button ang lahat, lalo na sa totoong buhay. Konting mali, pindot. O di kaya gagamitin lang para maibsan ang sakit na nararamdaman dulot ng iniwan na kaibigan, nilisan ng minamahal, para ulitin ang anumang gusot na meron para itama o yung tao mismo na nagpahirap sa iyo.

Ang hirap kasi sa atin, masyado tayong nasasanay sa hindi tayo iiwan, kahit anong mangyari, na mananatili sila sa ating tabi at hindi siya magsasawa at hahanap ng iba. Ikaw, ako, tayo ay nagbabago. Hindi natin ito matatanggi. Nagbabago tayo lalo na kung nasasaktan. Kailangan natin ito sa buhay para turuan tayo kung paano magiging matatag balang araw. Hindi araw-araw masaya at puno ng ligaya. Darating talaga ang araw na kinakailangan maging malungkot ng sa gayon malaman mo ang pakiramdam ng mawalan. Walang makakatakas sa ganitong sistema.

Dapat natin ihanda ang sarili lalo na pag gumawa ka ng isang desisyon. Hindi yung aatras ka pag nasa kalagitnaan dahil sa pinanghihinaan ka ng loob.

  1. kallandian posted this